Dahil sa iniiwasan kong mag-panic sa mga usaping buhay-buhay (buhay ko), inaalagaan at inaalalayan ko muna ang aking sarili. Minamasdan (sabay akbay) ko ang mga sandaling nakakatuwa. Kapag hinhayaan kong bukas ang aking mga mata at bukas ang aking isip, mas nagiging malinaw sa akin na madali lang din naman pala matuwa at maging masaya.
Hindi mabigat ang buhay kung ito ay napapaloob lamang sa bawat hininga. Kapag tinatatanggal ang lahat na maiingay na laman ng isip. Nakakapagod din kasi ang magalala. Hindi ko na muna bibitbitin ang mga hindi ko kailangang dalhin.
Sisikapin kong magawa ito.
Ay! Iyan na nga ang ibig kong sabihin. Ayaw ko ng may kailangang iisipin.
Gusto kong mabuhay sa bawat hininga, sa bawa't sandali.
Hanggang sa muli :P
Monday, December 20, 2004
Maligayang Pasko :P
Posted by :) at 10:45 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment