Sabi Nila (kung sino man sila) kailangan, "face your fears." So naisipan kong magtapang-tapangan ngayong araw ng Bagong Buwan (New Moon :P). Siguro kaya di niya pa rin ako binabati dahil may gusto siyang iba at nagugulohan siya sa sarili niya kung paano niya sasabihin ang news sa akin. Baka naging sila noong party kamakailan (hahahah :P!)
Kasi bakit pa ako pinagpayuhan ng psychic na sa loob ng isang taon, dapat isipin kong wala siya talaga, nang sa gayon pagkatapos ng taon, hindi na magiging mahalaga kung nandiyan pa siya o wala na nga. Di ba ang galing ng technique ng psychic? Kunyari wala para sa di katagalan wala na nga at ok lang. Pero relax lang muna kayo mga pare at mare, at iisang buwan pa lang, di pa isang taon. Hindi ko kayang ibigay ang buwan at araw ;-)
Tapos, balik trabaho na ako. Sa totoo lang, noong isang taon pa ako nagdesisyon na lilipat na talaga ako mula sa trabaho ko sa taong ito. Para maiba, dahil walong taon na po si bulaklak dito. So, medyo sawa na ako. Pero paano na yan at ang pinakamalaking proyekto ng aking programa ay magaganap sa taong ito. Hindi ba naman maging some kind of asshole ako pag iniwan ko yon? So in the meantime, stuck ako dito with my lukewarm feelings. Hindi magandang pangitain ang may lukewarm feelings ka sa isang proyektong mahalaga pero baka mas masamang iwanan ito kahit pa ba hindi ako ang pinakaimportanteng nilalang para sa mga magaganap (hindi talaga!). Kaya tinitiis ko ang aking lukewarm feelings at ang kagulohan ng lahat ng preparasyon.
Dagdag pa, hindi rin malinaw sa akin kung saan ko gustong lumipat. Hahaha. At sa krisis ng ekonomiya at krisis ng mundo, sakit ng ulo yata ang mawalan ng trabaho. Ewan ko. Sa ngayon, nabibighani ako sa aking inaaral pero hindi pa rin malinaw kung magiging maganda nga ba ang kalalabasan, kung ok nga ba ang area na ito, ayon sa aking kutob, at kung magiging magaling nga ba ako sa area na ito, ayon sa aking ini-imagine. At dahil kasisimula ko pa lamang, halos wala pa akong alam. Pero pinagmamabuti kong galingan ang aking puwede nang gawin sa ngayon. Pero dapat maging bukas pa rin ang aking isip at attitude sa ibang options para di rin ako ma stuck sa ideya ng bagong field na ito, kung saka-sakaling hindi pala bright future ang pinupuntahan.
At bago ko makalimutan, mahal ko talaga ang mga kasama ko sa trabaho. Bilang Capricorn, napamahal na sila sa akin, alam man nila yon o hindi at whether or not mahal man nila ako o hindi. Pero ang hirap na rin ng trabahong walang sinasantong skedyul dahil nakadepende sa mga developments sa mga isyung sinusubaybayan at nilalabanan. Hindi naman maiwasan, alangan namang hayaan na lamang natin na tumaas ng tumaas ang utang ng bansa, o kaya'y pagkitaan tayo ng husto sa mga bagay na lubos na mahalaga sa buhay tulad ng tubig at kuryente?
Kaya malinaw pa sa tubig sa baso ko, nasa kondisyon talaga ako ng hindi ko po alam at nagmamatyag pa ang aking puso kung ano ang maganda.
Pero bago ko makalimutan ang lahat, bagama't marami akong hindi alam, sobrang dami din naman ang aking kailangang ipasalamat katulad ng pagmamahal ng pamilya at kaibigan, kalusugan, tirahang maganda, at pati na rin ang aking sariling maganda, tabain, matalino, tamarin, nakakatawa at bornotin.
So, yon na nga, 33 na nga ako. Wish me well, at ako rin, ikaw, "I wish you ;-)!"
Monday, January 10, 2005
kibit balikat "''Ma!" as in "no answer"
Posted by :) at 2:08 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment