Thursday, January 27, 2005

red stuff chase

bigla na lang nagsulputan sa aking buhay ang mga bagay na kulay pula.

pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina nitong bagong taon, may bago akong ergo chair na sobrang ganda ang pagka-RED. bright red siya. hindi ko siya hiningi, di ko nga alam na nag-order pala sila dito ng mga ergo chair. pero sa totoo lang, ako ang may pinakamagandang kulay ng silya dito. grabe.

pangalawa, bigla na lamang nila akong binigyan ng red optical mouse (si fred ba ang pangalan ng aking optical mouse? hehehe). eh, truthfully (titulo ng isang kanta na hinahanap ko sa win mix pero di ko mahanap) sobrang daming taon ko na tiniis ang dati kong mouse na ayaw magparamdam sa aking CPU. may morning ritual na nga kami nun kung saan hinihila ko at hinahampas si old mouse para maramdaman siya ng CPU. magkaibigan na nga kami nun sa tagal ng aming pinagsamahan.

tapos, noong isang linggo sinabihan ako ng ka-opisina ko na binilhan niya daw ako ng optical mouse. na red. grabe. ganda.

noong isang araw naman nakatanggap ako ng red bag na gamit na gamit ko na at kasya ang aking mga papeles na bitbit araw-araw (mapagkunyari kasi ako). sa katunayan, natapunan na nga yata ng kape ang bag. hay nakupo.

nakakatuwa naman. at maraming salamat.

nangangailangan din po pala ako ng red thong sandals dahil sobrang paborito ko ang aking red thong sandals. gusto na niya ng substitute, lalo na kung mas bouncy sana ang kapalit.

o siya, itaas ang bandilang pula :D

p.s. nahihilig talaga ako ngayon sa pagmuni-muni sa mga pattern ng mga pangyayari.

No comments: