Spontaneous. Napailing ako kagabi noong naisip ko na bigla na lang kami nagkaroon ng "parang kailan lang" moments ng isa kong kaibigan. Sabi ko sa kanya ng mga bandang tanghali: parang kailan lang noong gusto mo siya pero hirap ka. pagkatapos ng maraming taon, gusto mo na naman siya pero ang saya mo na. ang ganda mo.
Noong bandang alas 9 ng gabi siya naman ang nagsabi: parang kailan lang na nagdinner tayo at sinusuri ng kanyang mga mata ang puso mong puno ng pagmamahal. ngayon, iba na.
Napailing ako at napangiti. Nakakatuwa naman isipin kung paano nananatili ang pagkakaibigan sa maraming yugto ng ating buhay.
Nagbabago din ang pagkakaibigan, madalas sa nakakatuwang paraan. Halimbawa na lamang kung paano nag-iiba ang lingguwahe namin ng aking kaibigan ayon doon sa kung ano ang lingguwahe ng iba pa naming importanteng kausap. Minsan, panay English ang text. Sa susunod na buwan, Filipino naman. Pero noong isang taon, panay Ilonggo ang aming kuwentuhan.
Hindi rin nagbabago ang prinsipyo: Kung saan ka masaya, eh di suportahan ta ka.
(Kahit ba minsan madalas nagbabago ang aming isip kung ano ang makakapasaya sa amin, o di kaya alam naman namin na hindi talaga makakapasaya ang isang bagay. Minsan, may mga bagay lang na dapat daanan. Paano ka matututo kung hindi mo dadaanan? Salamat na lang sa Diyosa at may mga kaibigan. Tutal, nandoon naman ang tiwala sa isa't isa na mahahanap din ang tamang timpla. Kumbaga sa adobo, try and try again hehehe.)
Commitment. Ang pagbibigay ng panahon. Ah basta, ang sarap ng may pinagsamahan. :-P
Wednesday, February 02, 2005
ang sarap ng may pinagsamahan
Posted by :) at 1:08 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment