Monday, February 21, 2005

Para sa Sinumang May Pakinabang sa Mga Sumusunod

1. Wag pilitin ang ayaw. Pero pag gusto mo talaga, di sige pilitin mo. Hanggang magsawa ka sa kapipilit. Tapos iyakan mo na para pagkatapos nang parang mamamatay ka na sa lungkot at pangungulila, ok ka na ulit. Hehe.

2. Hayaan mo lang ang lahat ng mga minamahal mo – yong mga taong you care for ;-) – hayaan mo lang silang magkamali, kahit pa nga paminsan minsan ay magdurugo ang puso nila. Alalay lang. Basta ba matibay ang kanilang pagkilala at pagtingin sa sarili, ok lang sila. Matutuwa sila sa iyo dahil pinapayagan mo silang maging tao – bukas, bulnerable at natututo. At ibibigay din nila sa iyo ang ganoong espasyo, kasi pati din naman ikaw magkakamali. Hehe, walang lusot kaibigan. At saka, di ka naman mapapamahal sa taong perpekto di ba?

3. May pangatlo pero nakalimutan ko na. Wahahaha.

No comments: