Thursday, February 24, 2005

speech

Para sa blogging at para sa summer

Sa totoo lang, nagbo-blog ako para may lagayan ako ng mga kung anu-anong bagay na nasa isip ko. Minsan kasi masyado nang maingay sa loob ng aking ulo, kailangan may lagayan para maka-move on. Kaya tama rin sabihin na di ako nagbo-blog dahil gusto kong magsulat o di kaya dahil gusto kong magkuwento. Mas madalas, nagbo-blog ako para para huminga ng mas malalim o para makahinga ng mabuti.

Kaya huwag na lang kayo magtaka kung nagbo-blog ako ng puro di malinaw. Just thinking aloud :) is all. Lagi nga nangyayari na pagka-post na pagka-post ko, nalagpasan ko na ang kung anumang isyu na pinroblema ko. At may bago na naman. May mga moods na mabilis lang lumipas, meron namang pabalik-balik, meron ding parang smog sa Metro Manila, di na matanggal-tanggal. Wala lang, ganito na talaga ako.

On the whole, masayahin akong tao, kahit di man yon halata (Baka kasi nakasimangot ako nung nakita mo ako. Mahirap na kasi ang laging nakangiti, mas lalong gumaganda hehehe). Di kasi ako masyadong mukhang excitable pero sa totoo lang, nahirapan akong manatiling malungkot kahit sa mga araw na malungkot ako. May tonic water yata sa dugo ko. Lagi ko pa rin nakikita ang masaya o di kaya ang nakakatawa.

Halimbawa na lamang ang araw na ito, o di kaya kahapon. SUMMER NA. Sinabi ko na ba kung gaano ko ka mahal ang summer? Naluyag ako sa summer! Kakaiba ang feeling pag summer! Kahit sobra na akong naiinitan at ang feeling mo kapag nasa labas ka ay para kang sinusunog ng araw, magaan ang loob ko kapag summer. Kahit na tumatagaktak ang pawis. Bad trip lang ako kapag di ako nakakapunta ng dagat. Kaya mahirap manatiling malungkot dahil simula kahapon, summer na talaga.

Gusto ko na nga bumili ng tsinelas na naman. At ang dami ko pang mga white na shirts and shorts left over from last year's summer. Yehey, eh ano ngayon pakialam ko kung maglalabasan na naman ang love handles ko. Basta summer na naman at masaya ako.

No comments: