Tuesday, March 08, 2005

Katuwaan

Dahil kami ay sadyang malandi at sadyang mababaw, naging matagumpay ang aming pagpapaligaya sa mga kapekpek, este kabaro, dito sa opisina.

Una may I give kami ni HB sa bawat ka-vagina ng one stem pink mums with matching pink ribbon. Yong guapo at charming kong inaanak, si Aemon, ang nag-distribute. Pati nga yong sister na tiga kabilang dako ng V. Luna, binilhan namin at madalas nagtatampo pag wala siyang pasalubong.

Pagkatapos, pinamudmod namin yong ¾ pan ng sticky brownies at inilabas ang piece de resistance ng aming spontaneous women’s day spirit, ang Hidden Book of Birthdays ni Judith Turner. Ayun, walang tigil na ang katuwaan habang kinilatis namin isa-isa ang mga psychic revelations na nakasulat tungkol sa bawat isa sa amin. Nagpa-xerox pa nga ang karamihan!

Siyempre pa, meron akong paboritong mga linya doon sa aking profile: You will have the sensitivity to maintain long-lasting relationships, the sensuality to ignite great passion, and the common sense to enjoy them both.

Naks naman. Ako ba yon? Ako nga yata ;-) Hahahaha.

No comments: