Wednesday, September 28, 2005

ang sa akin lang

Nakakailang kung paano nagtutugma ang lahat ng aking skedyul sa susunod na dalawang buwan. Nakakanerbiyos ng kaunti dahil "to-the-day" ang pagkaayos ng mga magaganap (sila-sila na ang nag-ayos, i swear). Pero magaling pa rin ang pagkaayos dahil walang nagkakasabay (double or multiple-booking) at may tama lang na one-day transitions. Pati ang mga deadline ay mangyayari sa tamang panahon. Ang masasabi ko na lamang ay, katok-katok, Salamat Po!

*******

May bumabagabag sa aking isipan. Nakikinita ko na kailangan ko nang kausapin ang management ng Yoni, ang "aming" grocery, na tigilan na nila ang kanilang anniversary jingle-advert. Hindi talaga nakakatulong. Nakakasira ng grocery experience. Sa halip ng masayahin o soothing music, nakakasira ng araw ang walangtigil na recording. Promise.

********

O siya, hanggang sa susunod at tambak pa ang aking mga gagawin. Pero, masaya naman ;)

No comments: