Monday, January 09, 2006

hehe

o siya, babae. tama na muna ang drama. mag-aral ka na. magtrabaho. magligpit ng kusina. hubarin mo muna ang kasentihan at kadramahan na nakabalot sa iyong katawan ... naku naku hayan na naman :D

hahaha.

nais kong magising sa pagiging pariwara, at mabuhay sa ngayon,
sa katotohanan ng aking kinalalagyan,

ang pagbuhos ng malamig na tubig sa baso mula sa pitsel,
ang haplos ng hangin mula sa electric fan,
ang pagtagpitagpi ng pira-piraso kong pagiisip na nakabulagta sa
iba't ibang dako ng lungsod ng quezon.

bumaba mula sa ulap, tumuntong sa lupa,
pakiramdaman ang sentro
na nag-uugat sa pinaka-sinapupunan ng mundo
tumayo tumaya tumawa
maging buhay, mabuhay sa kasalukuyan
sa sandaling ito
ang buhay ko

No comments: