Thursday, February 16, 2006

buddha

dahil kulang ang poem ni HB at marami pang kailangan idagdag tulad ng ukol kay Michael.

dear michael,

hindi totoo na mas magaling-galing daw ang derechahang usapan (yong naririnig) kesa pakiramdaman. may kanya-kanyang kagandahan ang bawa't paraan at kagaya ng lahat ng bagay sa mundo, pinakamaganda kung nababalanse ang dalawa. yong pagspeak out at speak up ay nauukol sa ibang bagay, kaganapan, panahon. yong pagkaalam at pagintindi ng walang salita ay mas angkop naman sa ibang kalagayan. minsan, kailangan dalawang paraan, sabay na ginagawa. kung sa bagay, iisa lang naman ang importante sa dalawa --yong motibong nanggagaling sa lab, at sa wish na all will be well and all will be happy with everyone.

(teka lang pala, gusto ko lang din sabihin na minsan yong pagalala, WORRY, o yong pagkaawa, PITY, ay hindi ang mas mapagmahal na paraan o motibo sa pakikitungo, pakikipagrelasyon at paglikha ng mas mapagmahal na mundo. mas maganda yong kaisipan na lahat ay may kaya, makakagawa ng paraan, matututo din. at magkakaroon ng tulong na di inaasahan kung tayo'y hihingi ng tulong at bukas sa pagdating nito. hindi puwede yong, help, sabay talikod dahil sa takot.

siguro ngayon nakukuha mo na na ang liham na ito para sa iyo ay hindi naman talaga tungkol sa iyo. hahaha! gusto ko lang pala mag-speech ;)).

at gusto ko rin kasi magpasalamat. sa iyong pagiging kaibigan ko, sa ating pagiging magkaibigan. yehey!

eula

p.s. HB, paki post nga ng aemon and goddesses poems. salamat :P

No comments: