napapadalas na naman
ang pagbukas/pag-abuso/paglinis
(mamili ka ng kataga)
ko ng aming ref.
nahahalata na naman
na kailangan mapunuan/mapawi
(alin sa dalawa)
ang pagka-uhaw sa pagmamahal.
madalas akong napapagod sa
aking sarili at sa pangangailangang
isaisip isa-isa ang mga gagawin,
kung hindi ay tiyak kong malilimutan
ang mga ito. o baka mas tamang sabihin na
takot ko lang mawalan ng lakas na
magpatuloy kahit na alam ko naman na
gusto ko, at ang mga ito
ang nagpapabuhay sa akin.
sadyang walang madali kailangan pa rin
hinkayatin ang sarili.
kahit na ako na siguro ang isa
sa mga kilala kong sobrang
sinusuwerte sa mundo.
baka lang din kasi akala ko
sa effort na gawing simple
ang buhay ko mas lalo akong nalulungkot
dahil kasama sa kaligayahan ang
komplikasyon
at saka
humahaba na naman ang litanya
ko kesyo sana puwedeng mag-demand
o mag-expect kahit na ok nga na
hindi eh
kaya't pag ganito mas mabuti nang
manahimik at mapag-isa nang sa gayon
walang masasaktan o maaaway. mabuti
na lang mapagmahal ang kaibigang
payag na kaladkarin kong magsine kahit
na malakas ang protesta kong ayaw ko
siyang samahan bumili ng malaking payong,
siya'y payag pa rin.
Thursday, March 02, 2006
unang langoy
Posted by :) at 5:11 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment