natutuwa ako dahil kaya ko na mag-training na ako ang magdadala. di na ako natatakot at alam ko na ang gusto kong sabihin :) ... at kung may nakakalimutan ako, hinahabol ko na lang, hehehe.
(di ko pa rin naiwasan magalit sa isang punto, hay naku. sana, di na maulit ;)) dahil masama yata ang trainor na nagagalit sa mga trainees.)
natutuwa ako dahil masaya makasama ang maraming kaibigan sa isang proyekto na lubos na mahalaga at makabuluhan.
natutuwa ako dahil sobrang receptive ang mga bata, at marami sa kanila ang nagsabing gusto na talaga nilang magbago.
nakakatuwa panoorin ang kaisipan at kamalayan na nagbubukas.
naniniwala ako na nagiging attached ang mga bata sa isa't-isa, at nagiging memorable ang camp sa kanila, dahil pinayagan nila ang kanilang mga sarili na magbukas at ma-appreciate ang kayamanan na dala ng karanasan sa Camp.
being is its own reward :)
here's to men and women, good souls, open spirits,
at home and at one in their mind, body, soul,
magagawa natin ang lahat ng bagay sa mundo.
Saturday, May 27, 2006
Posted by :) at 4:15 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment