"Do you remember? On the 21st night of September? Love was chasing the night away," todo kanta ng banda sa stage sabay umaalog din ang lechon kawali sa loob ng tiyan ko. Di mapigilang sumayaw sayaw habang nakaupo at masyadong inviting ang kanta. Paborito ko yata dati yon. Anong kanta yan? Tanong ng kaibigan kong mas bata sa akin na di inabutan ang jazz classic/period theme song ko at ng aking mga cohorts (natutunan namin sa Psychology class na cohort ang technical term sa mga kasabayan mo ng henerasyon). September ng Earth, Wind and Fire, sagot ko naman agad, natutuwang maishare ang paboritong kanta. Enjoy kami sa Baywalk. Napaupo kami noong nagsimulang kumanta ang banda ng mga ka emote emote na kanta. Mood ko kasi ang pakinggan ang mga senti songs na senti without being OA. Kumbaga, senti-classic. Tapos bait pa ng waiter. Natutuwa siyang sabihin kung ano ang specialty ng restaurant nila, isang never ko pa na heard pero kahelera ng iba pang chains dito sa Baywalk. Gyozan sabi niya, dumplings daw iyon. Masarap din ang kanilang lechon kawali. Tig-isa kaming san mig lite ng kaibigan ko. Tig-isa ding rice. Tig-isang tubig. Aba solb. Ang saya.
Ewan ko ba at trip ko lang lumabas at maiba ng eksena sa nakasanayan. Naisip kong sayang naman ang maghapong walang urgent para lamang maglinis. Naghanap ako ng kaibigang puwede mayakag pumuntang malayo at di kailangang gumastos ng malaki. Trip lang. Hinabol namin sana ang sunset pero trapik at maraming nagsisimba sa Quiapo. Ok lang, inabutan namin ang komunistang moon. Upo muna kami doon sa seawall kasama ang sangkatutak na Pilipinong mahilig din mag liwaliw. Ang saya. Tabi tabi kami doon sa seawall, isang napakaromantikong eksena lalo na’t di halata sa gabi ang dumi ng Manila Bay at ng Roxas Boulevard. Basta masaya lang. Umupo kami magkaharap at nagkuwentuhan. Nagtawanan. Dalawang linggo lang ang nakaraan mula noong huli naming gala pero napakadami na ng pangyayari. Nag-iyakan ng kaunti, tawanan na muli. Matapos bumili ng isang rosas sa isang batang babae at natawa sa eksenang para kaming magkarelasyon na lesbiyan, naglakad lakad kami muli at napaupo nga kami doon sa unknown restaurant. Doon doon kami mismo sa mesa kung saan nagtatagpo ang malamig lamig na hangin mula sa dagat at ang mainit init na hangin mula sa makeshift kitchen ng restaurant. Mga elemento na nakakapaglikha ng kidlat at kulog.
Nguya nguya, kanta kanta, malagkit na mainit na masaya. Ganito siguro ang gustong-gustong feeling ni Bryan sa kanyang pakikisalamuha sa mga kapamilya’t kapuso. Wala lang, Pinoy na Pinoy, may musika, beer, pagkain, kaibigan. Madali naman maintindihan. Ginagaya ko yata ang aking kinagigiliwan. Di bale di naman bawal ang panggagaya. Ganyan din minsan ang nagagawa ng pagmamahal. Tila nagkakapalit-palit ng mukha at hilig.
Wednesday, May 03, 2006
One day, isang araw
Posted by :) at 11:02 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment