mga cute na nangyari sa buhay in the last few days:
1. sobra akong naging busy. as in 5 am na ako natutulog. (pasensiya na sa mga sanay magpuyat at mga laging busy. nahalata na hindi ako yon. pero sleepyhead kasi ako eh. nakadikit ako sa kama ko lagi at saktong 7-8 hours ang natural sleeping pattern ko).
2. sobra kong kinareer yong mga susulatin ko na pati ako nasuka na sa sarili ko. (naloka ako dun sa kung paano ko inedit to pseudo-perfection yong first nine pages! three days ko ginawa yong first nine pages!!! ano ba vivi, tama na! hanggang sa naloka na ako, wala na akong pakialam sa dulo! heehee. pero ok lang kasi sobra akong kampante kasi may groupmate ako na mas matindi pa sakin! hihi! :D)
3. sa sobra kong busy di ako kumakain ng husto (tama lang para di magutom tapos work na naman tapos takbo takbo) at puyat at pagod ako, so, in effect, pumayat ako in two days!! hahahaha naloka ako. di ko yon inasahan. (hindi ko sinasabing payat ako, pumayat lang!!!)na deprive ang fat cells ko at nag lie low ng slight!
4. sobra kong kinareer yong paper (di ko sinasabing ako lang gumawa kasi sobrang hindi talaga at laki ng pasalamat ko sa groupmates ko!!!), yong parts ko sa paper, na pagkatapos nun, numb/desensitized na ako. sobra akong naumay! di ko na masense kung magaling ba kami o hindi at kung understandable ba o hindi. sa sobra kong daming alam, wala na akong naging alam!!!!
5. pero maganda yong reactions/ feedback. para daw kaming vaccine!!! hehe. wala, private joke ko sa sarili ko!!! kasi sa sobrang pinaghirapan ko ijustify yong approach/ focus namin, di ko inasahan na suportadong suportado pala yon ng teacher ko!!! vaccine kami!! hehe. (parang an ounce of prevention baga)
6. tapos nag short training pa ako kanina. tapos nalowka ako kasi di ako makadiskarte dun sa ibang participants kasi ang kukulit ng mga may alam na!!! sagot sila ng sagot!!! paano ko ma reach at mapaintindi yong iba kung distorbo sila with their kagalingan!!! hehe. nawawala tuloy ako sa flow ko!!! hehe. gusto kong sabihin, sssshhh, mamaya ka na. have faith in me. lalabas at lalabas din ang katotohanan at magsasama din tayo sa gender-fair and equitable heaven. hahaha!
7. pero dati ganun din ako!!!! masyadong akong anxious and bright sa pagsigurado na maliwanagan ang lahat nang nasa kadiliman na hindi nila alam!!!! ngayon, hindi mo na ako matitinag!!!! hehe. (hindi totoo yan kaya wag mo po akong subukan universe kasi am sure matitinag ako).
8. masyado na akong Filipino, ano ba!!!!! di na ako marunong mag explain in spoken English!!! pero di naman ako marunong magsulat in Filipino!! tama ba yon? kulang na lang dreaming in Arabic.
9. wala lang!!! masyadong maliwanag ang aming new fluorescent lights!!! kelangan ng shades!!! ano ba!!! eh ako ang nagrereklamo na sobrang dilim di ako makatrabaho. ngayon naman sunrise ang drama niya.
haaaay. :D.
Tuesday, March 13, 2007
cute
Posted by :) at 11:26 PM
Labels: hindi hyper
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment