Tuesday, April 17, 2007

mawawala ako

super frustrated ako kasi gusto ko talagang lumabas today. tipong alas dose na nang gabi at six hours na akong nasa bahay pero di pa rin ako nagbibihis. gusto ko nga lang lumabas para manood ng sine eh.

naiiyak na ako sa asar kasi walang gustong sumama at noong malapit na akong magdecide na umalis anyway by myself, di ko naman ginawa (na sidetrack kasi ako ng isa pang usapan na kakain daw kami pero di naman nangyari haaay). tapos na tuloy ang last full show.

mas lalo pa akong naaasar kasi nararamdaman ko na hindi na talaga ako magpapayaya this week kasi kailangan ko na talaga mag-aral. di na ako magpapakita kasi next week mawawala din ako. no other time but now.

so, goodbye ;). wish me luck. i have too much ground to cover in too little time.

No comments: