Wednesday, March 16, 2005

si K na alam ang lahat

pardon me if i make up new words as i go along :P

kasi sinabi ko gusto ko maging peministang-sikolohista, sabi ni K, hetong sa'yo, matuto ka nga diyan kung seryoso ka talaga.

kasi minsan nagsasayang ako ng panahon kaya ngayon naghahabol ako ng oras, kaya sabi ni K, hetong sa'yo, basahin mo yan para ma-inspire ka, at heto pa, kilalanin mo para matuto ka.

kasi minsan masyado akong maraming inaalala o pagaalinlangan kaya sabi ni K, hetong teacher mo ngayon para matuto ka sa kanya ng power of now, at hetong mga kaklase mo, sabay kayong matututo. at heto pa siya na marunong magbigay ng buong puso sa bawa't sandali.

tapos, sabi pa ni K, ano na nga yong binubulong-bulong mo sa tabi na ayaw mo ng ________, at sana may parang __________, para puwedeng ________. hetong sa'yo.

at sa marami pang dahilan, at basta lang, ang galing talaga ni K.

sabi niya pati, enjoy mo ha.

sabi ko naman -- sabay kislap ng mata -- oo ba.

No comments: