elegantly_wastedlady: eto po-ako inaaliw ko sarili ko at nalulungkot ako
themundaneandthedivine: sige aaliwin kita ng mga kalungkutan ko
themundaneandthedivine: hmmm nakakaaliw ba yon?
dear ms. elegant,
naalala mo yong librong binabasa ko once upon a boracay? (naalala ko ang mga bakasyon dahil sa mga librong binabasa ko habang gumagala). yong tungkol sa mag best friend tapos binabasa ko pa nga sa inyo habang tayo'y nakahilata sa puting buhangin ang mga nakakatuwang bahagi. katulad ng pagkuwento ng main character kung paano siya pinalaki ng dalawang babae -- ang nanay niya at tita niya at kung paano magkaibang magkaiba ang magkapatid pero natutunan niya sa dalawa ang kanyang mga kailangan matutunan tungkol sa buhay at sa kanyang sarili? at di ba natuwa din ako sa kung paano niya pinakilala ang kanyang asawa dahil sinamahan niya ito ng kuwentong astrology?
naging absorbing masyado ang nobelang yon dahil naging malagkit at masalimuot ang istorya simula sa bandang gitna. naalala ko kasi doon sa huli kung paano hirap na hirap siyang ipaliwanag sa asawa niya kung paano nahihirapan siya sa tuwing tila pumapasok sa black hole ang kanyang partner at nakaiwan siyang nakatanga. iniiba iba niya ang kanyang reaksyon. merong nagiging malambing, merong nagagalit, merong pabaya, merong tila hinahatak niya muli ang kanyang asawa sa agos at daloy ng buhay. naintindihan niya ang asawa niya pero ang gusto niya lang sabihin, may sinisingil din sa kanyang kalakasan ang mga ganoong pagkawala, at kung sana lang, huwag naman lagi, o di kaya'y huwag na lang. siya kasi ang sumasalo, siyempre kailangan may sasalo, at kahit papaano may hinihinging bawi ang mga ganitong kaganapan. may bumibigay din doon sa nagbibigay.
nagustuhan ko kasi ang nobelang yon. naalala ko siya sa ngayon. naalala ko rin na pinabasa ko sa yo iyon at sabi mo, nagustuhan mo rin.
nagmamahal,
mundane
Tuesday, November 15, 2005
kabilugan ng buwan
Posted by :) at 11:39 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment