Tuesday, March 07, 2006

symbol saging

ewan ko ba kung bakit kahapon pagkagising ko naisip ko na namiss ko na kumain ng saging. yong lakatan, mahaba tapos maraming potassium. hehe. tapos noong hapon na, nagkatagpo kami ni ivan sa ym classroom at nagkasundo na magkita bago siya pumasok sa klase.

bago kami magkita, nagtext ako sa kanya na dalhan niya ako ng saging. sabi naman niya, sure! para sa mga hindi nakakakilala kay ivan, sadyang mahilig siya sa saging. madalas may baon siyang saging sa bag.

kaya naisip ko tuloy na baka kaya naisip ko ang saging dahil magkikita pala kami ni ivan. noong christmas party pa ang huli naming pagkikita. ang alam ko kasi marami siyang gustong ikuwento sa akin.

wala lang, gusto ko lang kasi mapatunayan ang papel ng simpleng simbolo sa pang-araw araw na buhay.

sabi naman ng anghel na si Bridget, may mga bagay daw na hindi pinapaalam/ sinasabi sa akin. tinanong ko kung ano kaya ito, lumabas si Chantall, ang anghel ng new romance. baka may nabubuong pag-iibigan kalakip ang mga taong malapit sa akin, na wala akong ka alamalam.

No comments: