actually, gusto ko talaga.
kaya kong ma-imagine ang quality ng interaction and relating na gusto ko.
pero nakakatakot din.
natatakot din ako kung tama ba iyong ginugusto ko. hindi kaya ako maghanap ng iba kung sakaling matagpuan ko ang ganung quality ng interaction?
hahaha. at dahil hindi ko alam, at hindi ko malalaman hangga't di ko alamin, stuck in a moment ang lola vivi niyo.
* * *
nahirapan kasi ako
at nahirapan ka rin.
hindi nangyari yong mga ginusto kong mangyari.
(malamang hindi mo rin ginusto ang mga nangyari.)
pero doon sa proseso kung saan hindi nangyari ang mga gusto kong mangyari
sobrang dami ang natutunan ko sa sarili ko
(mga pangyayaring hindi ko inasahan :)
at kung nagsimula ako sa kalagitnaan na galit na galit sa iyo
sa ngayon ay kahit i-try ko pa, hindi ko na makuhang magalit.
(minsan kasi tinutukso ko ang sarili ko at try ko talaga magalit pero wiz, hahaha).
***
pero gusto ko pa rin ang gusto kong mangyari.
at takot na takot na akong hanapin ito sa iyo.
***
at bago pa man sumakit ang ulo ko sa kakabangga ko nito sa dingding
iniiwasan ko na lang ang dingding. minsan tumitingin sa kisame. laging lumalabas ng pinto. nakadungaw sa bintana.
dahil, hindi nagsisimula at nagtatapos ang buhay sa dingding na ayaw gumalaw.
hahaha.
Thursday, June 01, 2006
lab, talaga
Posted by :) at 5:16 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment