bad trip ang lowlah mo. sa totoo lang, mahal ko kasi ang kaibigan kong yon eh. sa dami dami na nang pinagdaanan namin, i always felt that he was special to me, and i to him. sabi niya pa nga bago siya nag-abroad, "let's have tea."
pero di natuloy. ayos lang. di ko lang maiwasan na magtaka kung bakit sa kabila ng sandamakmak na major things na nangyari sa kanya, never akong chinika ng bading friend. wala lang. kasi dati naman, madali lang mag cavort online and off, and laugh in the face of everything. dagdag pa chinika niya na yata all our other friends online except me. tapos, parang not once not twice but three times kong kinilabit ang bading online para mangumusta. but no. not a word in reply.
mas nalowka ako. ano kaya, may isyu na naman kaya ito sa akin? kaya medyo alanganin ang lowlah mo makita muli ang bading friend kagabi kasi di nga alam bakit ganun ang standing. pero warm naman si ex gay best friend. nag hug pa nga and ask, kumusta na? hug back naman ako, natuwa. sabi ko, kasi ikaw di mo ako kinakausap.
nakooowww. sabi ng ex bf, busy kasi ako eh. oh shit you. ganun? after everything. after may i knock ka in the middle of the evening sa aming munting apartment, in tears, at may i hanap ng comfort? after mega text ka for angel reading kasi may sakit ang jowa mo? pagkatapos ng lahat lahat, sasabihin mo lang busy ka? eh samantalang kinausap mo na lahat except me?
ooooh shieeet talaga. yan naman ang, he's just not into you. di ko nakuhang di magreact at di ko yata inasahan ang ganung "excuse." may i walk off ang lowlah mo and may i mukmok! yes, mukmok is a choice. hihihi. super nice pa rin ang friend, but di ko talagang makuhang chumika.
hurt ang beauty ko.
Tuesday, January 30, 2007
Posted by :) at 12:55 AM
Labels: sinaktan mo ang puso ko :P
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment