i just basically, as chester said referring to something else, "don't make any sense." i don't mind that i don't. i just want to take note that ... i really don't make any sense, hahaha. how wonderpul.
kasi, alam ko na ayaw mo na. ahhh, hindi ko alam kung dahil hanggang noo na ang trauma mo sa akin; o, dahil ayaw mo na lang talaga sa akin (i don't interest nor attract you no more ... alam mo na, yong sabi ng book na sobrang naging hit, he's just not into you blah di blah na yon); o baka naman, in this time of our lives, mas ikaw ang mature at may EQ sa ating dalawa, at alam mo na tama na, wag na.
minsan, natutuwa nga ako na ayaw mo na. kasi di na ako nagugulo, nacoconflicted, naguguilty, naloloka. hindi ko na kailangan mag-respond kasi di ka na nangangailangan ng response. di ko kasi kayang di mag-respond. (kaya naman pero kung sunod-sunod na, nahirapan ako).
pero, gusto pa rin kitang kausapin. tungkol sa akin. lagi pa rin kitang iniisip. wish ko pa rin na ikaw pa rin yong iniisip kong ikaw (hetooo na, hetoo na, waaah, wahhh, doo bee doo bee doo, doo bee doo bee doo). kahit na my subjective regard does not match the objective conditions. hahaha, promise. that's the part that doesn't make sense the most.
hindi sa mahal pa rin kita. o dahil sa meron akong wow glorious grand unconditional love sa yo. kasi man, that's crap :D. i'd like to believe i'm smarter than that. puwede pa nga natin sabihin na isang malaking parte nga yon ng problema, ang aking super conditional pagmamahal sa yo. (baka yong other half ng problem ay wala kang love sa akin, unconditional man or otherwise.)
sana lang, naintindihan/ maiintindihan mo rin ako somehow someday sa heaven hehehe, na baka lang din, may sense naman ang lahat ng inalay ko sa yo (lab, galit, kaguluhan, friendship, blah di blah di blah).
at sadyang ganun laang.
Monday, January 29, 2007
ang cute
Posted by :) at 11:55 AM
Labels: sa harap ng tunog ng ukelele
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment