Thursday, March 15, 2007

sweet

natawa na naman ako kanina sa aking pagiging very-good student. nakalimutan ko na puwede palang pumasok ng 30 minutes earlier sa class para mas may time sa exam (natural, all my hardworking and ddktd classmates came in 30 minutes earlier hehehe :D). buti na lang naka-mindsit ako na this time i have is the only time that i have so ganun na nga. yon na. hehe! anyway, bagong ligo ako nun so masarap ang feeling.

what a fun exam though :D. gumawa kami ng psych report sa loob ng 3 oras. medyo tricky ito kasi may mga 1 hour ka para i digest at i put together sa utak mo (at sa puso, naks) ang isang tao (mahabang writeup tungkol sa kanya tapos maraming test results) tapos may dalawang oras ka para sulatin at i-print. eh medyo mahaba ang kailangang sulatin, maraming sections so di puwedeng basta sulat sulat ka lang. kelangan ayus-ayusin mo para umabot ka sa patutunguhan (or maka-pasa ka man lang sana). hahaha. ang saya. masaya siya kasi kahit tricky, masarap gawin. pasalamat na lang ke Lord kung natuntun mo ang pagkatao ng client (in epek, napakinggan, naintindinhan at natanggap mo siya,... at!... at sa pamamagitan ng paggawa ng report...nakuwento mo siya sa loob ng tatlong oras).

woohoo! sana siya nga yon Lord :D pag ganyan kasing may time limit, parang ako lang yan na nakita ko sa kanya. hahahaha.

but i really enjoyed it. hmmm hmmm.

pero masarap din siguro maging "client" ng 20 students. makakapagbasa ka ng 20 reports about you. counseling by consensus na ini. hehehe.

1 comment:

chitterch** said...

Ang saya saya ni DG no? :)

oo nga, masaya nga siguro maging client ng 20 students. all different opinions, all different viewpoints on you've screwed up you life :)