Wednesday, June 20, 2007

may diskusyon kami ng aking kaibigan. kasi sabi ko, naaawa ako kay wendy ng brendy.

sabi ko, naaawa ako dahil lost siya. sarili niya lang nakikita niya. pinag-iisipan niyang plastic kapag iba ang opinyon sa kanya at iba ang paraan ng paglalahad ng opinyon at damdamin. di niya binubuksan ang isip at puso niya at subukang intindihin kung saan kaya nanggagaling ang iba.

basta, para sa kanya, aping-api siya sa bawat pagkakataon na tinutuligsa ang gusto niya. di niya nakikita na iniintindi nga siya ng lahat.

para sa kanya, lagi na lang, it's either you're for or against me. di siya mapakali dun sa gray areas na puwede namang nagmamahalan o magkaibigan kahit na may pagkakaiba.

tapos sa sobra niyang lugmok dun sa pagiging feeling api niya, super identify na siya sa drama niya. di niya na maiahon ang sarili niya sa drama. at kahit ano pang gawin ng kahit sino, di siya matutuwa kasi hahanapan niya yon ng dahilan.

kelan niya marerealize na, life is what you make of it? siya din may gawa ng lahat ng "heartache" niya.

ang funny nga kasi lahat ng accusations niya dun sa nagnominate sa kanya (such as, kanila na lang ang bahay na to, pera lang ang gusto nila) are really about her. these are her own thoughts/ motives/ conflicts.

tapos, ang ingay niya pa. di siya natapos sa kakangawa at kakadabog at eksena. pero ayaw niya naman makipag-usap ng derechahan. gusto niya lang makipag-usap when it goes her way exactly.

eh siyempre, di naman puwede yon, at marami pang ibang tao sa world at kailangan mo rin sila bigyan ng kanilang right to exist, and to feel what they feel, and to express it how they want to.

it's not like they don't try. it's just that you're not listening.

hehe!

sabi kasi ng friend ko, alam daw ni wendy ang ginagawa niya kaya wag daw ako maawa.

3 comments:

chitterch** said...

Wow, bakit naging Filipino yung comments pop-up?

Well, anyway, who's wendy of brendy? :)

:) said...

tins, kung di mo alam, di ko sasabihin! :P hehehehe.

teka lang teka lang, how many sisters do you have and are all of them having babies? :)

hope your sis and baby are doing better already :(

chitterch** said...

Pag di mo sasabihin, di ko malalaman! :P hehehehe

I have 2 sisters, both younger. the one who came after me had her baby 4 months ago. The youngest (bunso) is having her baby soon, if not sooner :P

Ako nalang ang walang baby... I'd settle for the adult kind, if ya know what I mean :D