Friday, November 25, 2005

no i'm not fine but here i am :)

dear tita eds,

salamat nga pala sa pagtext mo. hayaan mo naiisip din at naintindihan kita. alam kong malungkot talaga ang pagbalot ng dilim sa paligid at ang lamig na nanunuot hanggang ... hanggang sa pag-inom ng isa pang tasa ng hot chocolate. (teka lang, nilalagay nga ba sa tasa ang hot choco, o sa mug lang talaga yon dapat ilagay? :P) hayaan mo at sabay na naman tayong nalulungkot. ikaw dahil sa pagkawala ng init ng araw, ako dahil ... sa wakas ay nahanap at naisuot ko na ang aking hinahanap na sapatos :P. noong nandito ka ay tsinelas, ngayong wala ka ay sapatos naman. salamat na lamang sa aking dalawang paa. ewan ko na lang kung hindi dahil sa paa, baka tuhod o tenga ang mapag-trippan :P.

huhuhu sana'y nandito ka. samahan mo kong tumunganga sa katahimikan, maglakad ng maglakad hanggang sa Pasko na. tapos? tapos wala lang, eh di Pasko na :P. bilhan natin ng bagel ang iyong pinakamamahal at polo na tama ang sukat ng haba. hehehe.

ok ba yon? ;)

nagmamahal,

tita vv

p.s. kasalukuyan akong umiinom ng hot chocolate na nasa ... BASO :D hehehehe.

No comments: