Tuesday, April 04, 2006

there i go there i go

old friends, good friends, missed friends

sad ako sister na wala ako noong nangyari ang krisis na kinuwento mo kanina,
kahit na alam ko na hindi siguro ako ang kailangan mong makasama sa panahon na iyon.
natutuwa lang ako sa bawa't pagkakataon na tayo'y nakakapagusap na tayong dalawa lang. siguro isang beses sa bawa't taon. at nangyayari lamang dahil sa di inaasahan o pinaplanong pagkakataon. (at siguro iniiwasan din natin magkita, at mayroon tayong kanya-kanyang dahilan.) sa bawa't pagkikita, naaalala ko kung bakit matalik tayong magkaibigan. at na mahal kita :).

(hayun, nahanap ko na ang inaalala kong konseptong Pinoy tungkol sa pagkakaibigan, at ito ang pagiging matalik na kaibigan.)

***

noong naghiwalay tayong lima noong Sabado, naisip ko na baka di rin tayo matutuloy sa ating pinag-usapang pagkikita ngayong linggo. alam mo na, mga bisi, balisa, maraming iniisip, may sari-sariling buhay. minsan, natutuwa akong magkamali. magkikita tayo muli! bukas :)

***

dati (1), iyong dati (2) kong mahal ay nanggigigil sa alaala ng mas dati (3 ;)) ko pang mahal. ayaw niyang tanggapin o alalahanin na dati may iba akong mahal. kaya para di na makagatong sa kanyang nararamdaman, di ko na rin masyadong kinukuwento ang tungkol sa dati. nakakalungkot din lang kasi, that was a beautiful time. at ganoon din ang sinabi noong mas dati kong mahal. sabi niya rin, that was a beautiful time. (ang mas cute, sinabi niya ito noong nagkaroon siya ng bago, hehehehe).

***

iyong isa ko pang mahal (iba pa), hindi niya rin maatim na minahal ko iyong dati (iyong isa, hindi iyong mas dati). hindi ko na rin masyadong binabanggit kasi may mga isyu din ako sa sarili ko. pero ang totoo niyan, minahal ko rin iyong dati. maganda din ang panahon na iyon.

hayun.

No comments: